Agsunta

Magda-lena

Agsunta

Cifras para cavaquinho Nível avançado nível avançado
Anúncio
Intro 
        A#m   C 
Magda   le    na 


[Refrão]
A#m F# Ito'y kuwento ng isang babaeng A#m F# Tulog sa umaga, gising sa gabi A#m F# Ang kaniyang mukha'y puno ng kolorete A#m F# Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi Simulan na natin ang istorya
[Verso 1]
A#m Ako'y kaniyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan F# Kuwentong dapat niyong malaman, 'wag nang magbulag-bulagan A#m Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba? F# Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda?
[Verso 2]
A#m Na aking kababata mula pa nang pagkabata Kami'y lagi magkasama, mga bangkang papel sa sapa F# Kaniyang ngiti, lumiliwanag ang paligid At pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit A#m Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala F# Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara Ang bibig at pintig ng puso para sa kaniya A#m At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos F# Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila Pinakilala niya lalaki na taga-Maynila
[Refrão]
A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan? A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan?
[Verso 3]
A#m Maraming taon, ako'y nalipasan, pinilit ko mang takasan F# Bagkus ay aking nalaman ang tunay kong kailangan A#m 'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba F# Minamahal ko siya, hahanapin ko si Magda
[Verso 4]
A#m Lumuwas habang nagdarasal na maabutan Sa lugar na ang sabi'y kaniyang pinagtatrabahuan F# Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan Iba man ang kulay ng buhok, 'di ko malilimutan A#m Ang kaniyang mata at tamis ng kaniyang ngiti Dahil ubod ng saya, hindi na nag-atubili F# Agad pumasok sa silid, pero bakit ang dilim? Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing A#m Nang biglang nagpalakpakan, may mabagal na kanta Sa maliit na entablado ay nakita ko na F# Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot Bakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[Refrão]
A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan? A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan?
[Verso 5]
A#m Agad siyang sumama sa 'kin, walang kakaba-kaba G# Ang trato niya sa 'kin ay nobyo, tila kataka-taka D#m Bumaba sa taksing pinara sa may Sta. Mesa A#m Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena A#m Kung ito ay panaginip, ayoko nang magising G# Ngunit ako'y nanaginip, umaga na nang magising D#m Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag A#m Liham para sa 'kin na isinulat niya magdamag F# Kahit gulong-gulo ang isip, pinilit kong basahin F 'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[Verso 6]
N.C. "Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalim N.C Di na 'ko nagpaalam, 'di na kita ginising N.C Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay N.C At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay D#m No'ng iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko F# Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino A#m 'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko D#m Imbes na ako'y sagipin, itinulak sa bangin F# Ito pala'ng ibig sabihin ng "kapit sa patalim" Kung mabaho, sabunin, kung makati, gamutin A#m Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin G# Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng F# Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalaki F Isa lang ang kaya kong sa 'yo'y maipagmalaki A#m Ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi
[Verso 7]
N.C. Gusto ko mang manatili sa 'yong mga yakap N.C Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap N.C Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat N.C At ang katulad ko sa 'yo ay 'di karapat-dapat A#m Pinangarap kong sa altar, ako'y iyong ihatid G# Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko'y namanhid D#m 'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik A#m Pero pakiusap, 'wag ka na sana pang babalik F# Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala F Salamat sa alaala, nagmamahal, Magda"
[Refrão]
A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan? A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan? A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan? A#m Magdalena, ikaw ay sawimpalad F# Kailan ka nila maiintindihan?

Enviado por: Tariq Kike

Corrigido por: sem correções

Anúncio